Ang Kaligtasan
" Ang Kaligtasan"
Alam nyo ba ang ibig sabihin nang kaligtasan sa bibliya?
A] Unang una, may sinabi ang Amang Dios na ang sinumang sumampalataya sa kanyang Anak ay hindi mapahamak at maliligtas.
John 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.
Sa anung paraan po ba mapahamak ang tao kung hindi sya sumampalataya kay Kristo?
John 3:18
Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat ang kanilang mga gawain ay masasama. 20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.
Ang sabi ni Hesus tungkol sa mga taong hinatulan na ay hindi sila lumalapit sa ilaw at ganito ang paraan sa paghatol ng Dios. Ibig sabihin, malalaman natin kung ang tao ay nahahatulan na pag siyay maniniwala o hindi dahil pag hindi siya maniniwala ay kasusuklaman niya ang ilaw at ayaw niyang lalapit nito at ang ilaw na yan ay si Hesus.
John 8:12
Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.
At ang ibig sabihin ng "lumalapit sa kanya" ay ang pamumuhay ayon sa KATOTOHANAN. At kung ikaw ay namumuhay ayon sa katotohanan na pinahayag ni Hesus, iyan ay ang panampalataya na sinabi nya at pananampalatayang sangayon sa Dios.
John 3:21
Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
Ngunit may ibang interpretasyon ang karamihan sa sulat ni apostol Pablo tungkol dito na nagsabing; "
naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya". Sinabi ko na iba itong interpretasyon dahil pinahayag nila na ang kaligtasang ito ay hindi ang paggaawa sa mga utos ni Hesus kundi pananampalatayang walang halong mabuting gawa dahil sa sinabi ni Pablo rin na " hindi ito bunga ng inyong mga gawa". Ibig nilanga sabihin na ang mabuting gawa galing sa mga utos ni Hesus ang hindi kasama sa kaligtasan.
Efe 2:8
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.
Kaya't ang karamihan sa kanilay hindi na gaanong pinansin ang mga bagong utos ng Dios dahil umulan man o bumagyo ang buhay ay ligtas na sila sa kapahamakan.
Alam nyo mga kapatid, yang mga interpretasyon na yan ay pawang mga maling katotohanan ayon sa Bibliya. Hindi lang nila gaanong nakuha ang tunay na kahulugan nang mga sulat.
Sa sulat ni Pablo ganito ang pagkasabi:
"dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya"
Ang sabi naman ni Hesus:
"ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak."
Tanong: Mayroon bang kaibahan dyan? Syempre wala at magkasing kahulugan lang yan......
Ang sabi naman ni Pablo na:
"hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman."
Talagang hindi bunga nang gawa sa tao ang kaligtasan, dahil ang Dios ang may kagagawan nyan sa pamamagitan ni Hesus. Alam mo kung bakit hindi ikaw ang may kagagawan nyan? Dahil si Hesus ang nagmalasakit para mabigyan tayo ng bagong kautusan na pinatibay sa kanyang Dugo. Tinuruan tayo nya kung ano ang mga mabuting gawain na sangayon sa Dios. At ang mga ito ay nagkatotoo ng dahil lamang sa pananampalataya sa kanya.

Kaya nga sinabi ni Hesus at ni Pablo na ito ay kaloob ng Dios para sa tao at sariling gawa ng tao.
Pero yong sabi nila na hindi kasali ang magandang gawain sa kaligtasan ay maling pagkaintindi lang yan. Dahil ang mga magagandang gawain na ginawa ng tao galing sa utos ni Hesus ay hindi nya sariling gawain yan, ang Dios ang may utos nyan at hindi galing sa kanyang sariling sikap.
Halimbawa, pag ang tao ay gagawa ng magandang gawain para maliligtas tulad ng pagbibigay tulong sa mga mahihirap, itoy pweding maging pansariling gawain pag ang pakay moy para makapaghambug sa mga tao lang. Pero kung ginawa mo yan sa pamamagitan ng pananampalataya, yan ang tunay na gawain na galing sa langit. Sa makatuwid, nangyari na ito noong panahon ni Moses, dahil karamihan sa kanila ay tinupad ang utos hindi sa pananampalataya kung hindi sa sarili nilang kahambugan tulad ng mga hypocrites.
Rom 9:
30 Ano ngayon ang masasabi natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging kalugud-lugod sa Diyos ay pinawalang-sala niya sa pamamagitan ng pananampalataya. 31 Ngunit ang Israel naman, na nagsikap na maging kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ng kautusan, ay nabigo. 32Bakit? Dahil sinikap nilang kalugdan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Natisod sila sa batong katitisuran, 33 tulad ng nasusulat,
"Tingnan ninyo, naglalagay ako sa Zion ng batong katitisuran, isang malaking bato na kanilang kadadapaan.
Ngunit ang sumasampalataya sa batong ito ay di mabibigo."